6 REASONS WHY MAHIRAP MAINLOVE SA HEARTTHROB by SRCT (me)
http://sheryl1979.blog.friendster.com/category/love/
posted on: Tuesday, February 6th, 2007
1. Andami mong kaagaw. It’s simply the law of demand and supply. Since kokonti na lang naman talaga ang masasabing heartthrob sa mundo, talaga namang marami kang kaagaw sa atensyon ng man of your dreams mo. Upto what extent ba ang kaya mong gawin para mapansin ng prince charming mo?
2. Always busy ang line ni Lord pagdating sa kanya. Kasi naman, lahat na lang yata ay nagdadasal na mapansin ng Prince Charming mo. Paano iyan, hindi naman pwedeng lahat pagbigyan ni Lord ano?! Or baka naman ito talaga ang reason why ang kadalasang nagiging playboy ay ang mga heartthrobs. kasi para mapagbigyan lahat? arrgg!!!
3. Easy to get or pakipot? Pag napansin ka na ng love mo, malaking sakit sa ulo. Kasi naman, kapag pakipot ka, baka bigla kang iwan sa ere. Sa dami nga naman kasi ng babaeng naghahabol sa kanya, baka magbago ang isip at maghanap ng iba. Pag sinagot mo naman agad, baka sabihin niya easy to get ka. Remember, easy to get, easy to forget?
4. Andaming nagpi-prayer rally against you. Kahit si Cinderella, grabe muna ang inabot from her stepsisters/stepmother before siya uli natagpuan ni Prince Charming, di ba? Hindi pa kayo nagfi-first monthsary, kabi-kabila na ang nagdadasal na magbreak kayo. Remember, the ‘yong mga dati niyang nakarelasyon na nakikipagbalikan sa kanya? Pati na rin ‘yong nag-aambisyon na makarelasyon niya in the future. Carry mo ba iyan?
5. Kahit ayaw mo, nakaka-insecure. Admit it, kahit feeling mo ay secured ka na sa sarili mo at sa feelings niya, minsan hindi mo pa rin maiwasang mainsecure at magselos lalo na at sangkaterbang chikababes ang dumidisplay sa love mo. Paano ka kaya magiging cool niyan kung maya’t maya, may dumidikit na mga girls sa Prince Charming mo?
6. Ang hirap mangarap nang gising. Wala eh, kung talagang inlove ka na at talagang walang pag-asa, mangarap ka na lang nang gising. Just make sure hindi masyadong OA ang Ninoy Aquino-pose mo at pakitikom na rin ng bibig. Mahirap na at baka pasukan ng langaw ang bunganga mo sa sobrang pagdi-daydream.
0 comments:
Post a Comment